Connect with us

trending

Estudyanteng bagsak ang grado dahil nawala ni teacher ang ipinasang projects at activities, nagreklamo.

Published

on

Viral ngayon ang Facebook post ng isang estudyanteng nagrereklamo matapos niyang makakuha ng bagsak na grado sa kanyang MAPEH subject kahit na kumpleto naman ang kanyang mga requirements.

Sa Facebook post ni Willow Hamada, sinabi nito na nawala raw ng kanyang teacher ang ipinasa niyang projects at activities kaya siya nakakuha ng 74 na grado sa Music, Arts at Health.

Tanong niya, bakit siya bagsak kung mismong teacher niya ang nakawala ng kanyang mga requirements?

Nawala daw nila mga projects and activities na napasa namin, so kung nawala nila, bakit nila kami binagsak??” sabi ni Willow.

I mean, it’s very wrong. Sila nakawala tapos kami sasalo ng problema by having a bad grades?” dagdag nito.

Mabilis na kumalat sa social media ang post ni Willow na ngayon ay mayroon ng 36k reactions at 36k shares.

Narito ang kanyang buong post:

“I just got my card now, i’m dissapointed. They give me a 74 in mapeh, nagchat ako sa teacher ko kung bakit ganon grades ko. Ang sagot niya, kulang daw ako sa requirements which is not. Nawala daw nila mga projects and activities na napasa namin, so kung nawala nila, bakit nila kami binagsak?? I mean, it’s very wrong. Sila nakawala tapos kami sasalo ng problema by having a bad grades? I just thanked God that i have a parents who doesn’t pressure me to have a high grades, but giving us low grades just because nawala nila yung napasa namin is very wrong.”

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

trending

Sapul sa video ang babaeng Chinese na tila na-inlove sa isang taong grasa.

Published

on

Usap-usapan ang isang babaeng Chinese sa social media na ayaw iwan ang lalaking taong grasa.

Umani ng samu’t-saring reaksyon mula sa netizens ang pagsama ng isang Chinese sa lalaking tila nakatira sa kalye.

Sa video na ibinahagi ng Facebook page na Kabiyak, mapapanuod ang eksena na tila isa lamang tagpo sa pelikula.

Makikitang ayaw umalis ng babae sa tabi ng lalaki sa kabila nang pagkumbinsi ng mga tao sa paligid nila na iwan na nya ito at sumama sa rescue team.

May isang pagkakataon sa pa sa video kung saan mapapansing hinila ang bag ng Chinese para lang tumayo ito at iwan ang lalaki ngunit nanindigan itong manatili sa pwesto.

Subalit nang pakiusapan ng isang babae ang lalaki na sumama na rin ay agad pumasok sa patrol car ng lungsod ng Parañaque ang lalaki at agad namang sumunod ang babae.

Maririnig ang kantyawan ng mga tao sa paligid lalo na ng mga kalalakihan.

Sambit pa ng isa, “Talo pa tayo ah! Nakadali ng Chinese ah. Lupit!”

Iba-iba naman ang naging reaksyon ng mga netizen dito sapagkat ang ilan ay nabahala, samantalang ang iba ay humanga sa ‘pagmamahalan’ umano ng dalawa.

Continue Reading

trending

Mga anak, naghanda ng simpleng sorpresa sa ama; plastik na lobo at itlog na cake.

Published

on

Nadurog ang puso ng maraming netizens sa larawan ng magkakapatid na naghanda ng sorpresa para sa kanilang ama .

Sa halip kasi na lobo ay plastik na labo at itlog na gawa sa cake ang naihanda ng mga ito.

Ngunit kahit ganito ay marami pa rin ang humanga sa kanilang simpleng handa para mapasaya ang kanilang ama .

Sa kasalukuyan ay mayroon na itong mahigit 80K na reactions at mahigit 40K na shares sa Facebook.

Mabilis na nag-viral sa social media ang mga larawan ng magkakapatid naghanda ng sorpresa para sa kanilang ama.

Sa halip kasi na mga normal na lobo at cake ay lobong gawa sa plastik na labo at cake na gawa sa itlog ang kanilang naihanda dahil sa kawalan ng panggastos para rito.

Ayon sa uploader ng viral post na si Melody Silang:

“Nakakatatsss nmn ang mga kapitbahay ko sapagkat kahit mahirap lamang ang buhay nagawa nilang mag effort para sa kaarawan ng kanilang ama ang plano nila ay isorpresa ang ama pagdating sapagkat nag nasa trabaho pa ito…nakakataba ng puso ang gantong mga eksena…sakadahilanang wlang perang pambiling lobo ay nag gawa sila gamit ang plastick labo at sinulatan ng happy birthday papa…at nagawa pa sila ng cake na gawa sa itlog.”

Sa kabila nito, maraming netizens ang humanga at pinuri ang ginawa ng mga bata para mapasaya ang kanilang ama. May mga netizens din ang nag-tag sa GMA program na “Kapuso Mo, Jessica Soho” at sa programa ni idol Raffy Tulfo na Raffy Tulfo in Action sa pag-asang matulungan ang mga bata ng mga ito.

Sa isa pang report , isang grupo naman ng kabataan ang naghanda ng payak na sorpresa para sa isa nilang kaibigan na nagdiwang ng kaarawan.

Samantala, isang kakaibang sorpresa naman ang inihanda ng isang misis para sa kanyang mister na mahilig mag-like sa post ng ibang babae!

Continue Reading

trending

Ina ng groom, nagulat nang makumpirmang anak niya ang bride na matagal nang nawawala.

Published

on

Isang hindi inaasahang reunion ang kasalan sa China nang malaman ng ina ng groom na ang bride ang nawawala niyang anak.

Dahil sa birthmark o balat nito sa kamay, napag-alaman ng ina na anak nga niya ang pakakasalan ng kanyang ‘anak’ .

Nakumpirma ito matapos na sabihin ng mga magulang ng babae na inampon lamang nila ito.

Halos hindi na matuloy ang kasal dahil sa makapigil hiningang rebelasyon ng bawat pamilya.

Agaw eksena ngayon sa social media ang mala-telenovela na kwento ng kasalan sa Suzhou, Jiangsu sa China noong Marso 31. Nalaman na muntik nang maudlot ang kasalan nang malaman ng ina ng groom ang bride ang nawawala niyang anak.

Sa ulat ng Philippine Star sinabing naging hindi inaasahang reunion ng mag-ina ang kasalan nang mapansin ng ina ng groom ang balat sa kamay ng bride. Malaki kasi ang pagkakatulad nito sa birthmark ng nawawala niyang anak.

Dahil dito, inusisa niya ang mga magulang ng bride at doon nalaman niyang nakita lamang ang noo’y batang babae sa may kalsada na kanilang kinupkop at itinuring na tunay na anak.

Ayon pa sa Dailymail, tumugma rin ito sa mga detalye tulad ng tagal na 20 taon mula nang mawala ang anak ng ina ng groom.

Naging emosyonal na ang lahat lalo na sa pag-aakalang hindi matutuloy ang kasalan.

Subalit agad namang sinabi ng ina ng groom na inampon lamang niya ang lalaki matapos nga na mawala ang noo’y batang babae kaya naman hindi sila magkapatid ayon sa Yahoo News.

Kaya naman natuloy pa rin ang kasalan at doble-doble ang kasiyahan dahil sa muling pagsasama ng tunay na mag-ina.

Continue Reading

Trending